Pagsilang
Ang salitang mahal ay may iba’t-ibang kahulugan at konteksto sa wikang Filipino. Maaari ibig sabihin nito ay isang taong iyong lubos na kinakalinga at iniingatan ngunit maaaring pakahulugan din nito ang pagkakaroon ng mataas na presyo sa pamilihan. Ang salitang mura ay ginagamit naman para ilarawan ang maraming bagay tulad ng mga gulay, prutas at karne. Sa araw-araw na ating pakikipagtalastasan, hindi ba natin naiisip kung saan nanggaling at kung paano nabuo ang mga salitang ating pinagaralan at ginagamit?
Marami ang teoryang nabuo na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng wika. Ang ilan sa mga ito ay ang paniniwala sa “divine creation” o ang wika na biyaya ng tao mula sa Poong Maykapal, ang “natural evolution theory” na nagpapatunay na may kakayahang magkaroon ng magandang komunikasyon habang nagiging kumplikado ang utak ng tao, at ang “bow-wow theory” kung saan ang tunog ng mga hayop ay tumulong sa pagbuo ng mga unang kataga o salita ng tao.
Ang unang teorya ay maaaring paniwalaan ngunit ng may mga malalakas lamang na paniniwala sa Diyos dahil hindi mabigyan ng sapat na ibedensiyang magpapatunay na ang mga unang tao ay mayroon ng sariling wika. Ang pangalawang teorya ay maaari ikonsider dahil habang nagiging mas kumplikado ang pagmanipula ng utak ay mas nagiging maayos ang komunikasyon ngunit hindi rin ito masuplayan ng sapat na ebidensiya. Ang pangatlo ay isa sa mga pinaka-kinwestiyon dahil iba’t-iba ang konteksto ng mga hayop sa maraming wika. Ang bow-wow ay maaaring maging aso sa Pilipinas ngunit lobo sa
Pinagtuunan ko ng pansin ang pang-apat na “ding-dong” hypothesis na naghahayag na ang wika ay nagsimula nang ang tao ay nagbigay ngalan sa mga pangyayari o kilos pagkatapos marinig ang isang tunog na kunektado sa totoong buhay. Halimbawa, nang makakita ang tao ng kulog, agad nila itong tinawag na BOOM dahil ito ang tunog na kanilang narinig mula sa unang paglabas nito. Isa pa ang tunog ng puso na TUN-TUN na ang ibig sabihin sa Chinook India ay puso dahil ito ang kanilang narinig ng pakinggan ang pagtibok nito. Nagkakaroon ng mga indexes ang isip ng tao na nakatulong upang makabuo ng mga pangalan o panawag para sa mga bagong tuklas na gamit, hayop, halaman o maging mga natural phenomenas. Ang wika ay naging madali ng magkaroon ng mga indexes dahil natural ang mga pangalan at madaling naikukunekta sa mismong bagay.
Marami man ang mga naging teorya sa pinagmulan ng wika, ang importante ay nagkaroon ng sibilisasyon at pagunlad sa bawat lugar sa buong mundo dahil sa mga salitang nabuo na maaaring mula sa ating Diyos, sa mga indexes o maging sa mga hayop.
No comments:
Post a Comment