Sunday, November 30, 2008

ngipin bilang isang instrumento


Ngipin bilang instrumento

Kung papipiliin mula sa mga toothpaste na Colgate at Sensodyne ang mga Pilipino at Hapon, kukunin ng Pilipino ang Colgate at Sensodyne naman para sa Hapon. Ang mga Pilipino ay may noon pa ma’y may layong paputiin ang kanilang mga ngipin at pabanguhin ang kanilang mga hininga samantalang ang mga Hapon ay inuuna ang kalusugan ng ngipin at pag “maintain” rito. Nakaugat ang katangian at tradisyong ng mga modernong Hapon mula pa sa kanilang mga ninuno.


Ohaguro ang tawag sa tradisyong ito ng mga Hapon na ang ibig sabihin ay “iron drink” dahil ginamit nila ang iron bilang pangunahing sangkap para sa tintang ito. Ito ay kanilang tinutunaw sa mabahong kanemizu, (isang kulay tsokolateng asido) na hinahaluan ng gallnut at tannin powder para hindi ito madaling humalo sa tubig. Naniniwala ang mga Hapon na ang pagpipintura sa ngipin ng itim ay para maiwasan ang pagkasira ng ngipin. Ito ay inaaplay isang beses sa siang araw.


Dalawang ebidensiya na nagpapatunay na nagkaroon ng pagkukulay o pagdye ang mga sinaunang Hapon ay ang mga bahid ng itim sa mga ngipin ng mga buto mula sa Kofun period at ang pagkakaroon ng “black teeth country” sa Shan Hai Jing.

Isinasagawa ang ohaguro para sa iba’t ibang mga gamit sa paglipas ng panahon. Noong Heian period kung saan ang mga “aristocratic men and women” ay nasa oras ng kanilang pagdadalaga’t pagbibinata, ang ohaguro ay makikita na ginagawa ng mga asawa ng mga samurai dahil sa dalawang dahilan: una, habang tumatanda ay nangingitim ang kulay ng ngipin ng tao kaya ginawa nilang panakip ang itim na pintura para hindi maihayag ang kanilang pagtanda. Ang isa pang dahilan ay para hindi na sila lalapitan pa ng ibang lalaki at makaiwas sa pagkamit ng “adultery.” Ginagawa itong ritwal kasabay ng hikimayu (pagpipinta ng kilay) ng mga miyembro ng mayayamang angkan matapos ang hakamaza (seremonya ng paglalagay ng hakama sa isang bata).


Lumaon ang Heian period at sumunod naman ang Muromachi period kung saan makikita narin ang ohaguro sa mga babaeng 8-10 taong gulang na anak ng militar at nasa lebel na ng pagiging isang dalaga (period of maturity para sa mga Hapon) at bilang paghahanda narin sa pulitikal na pagpapakasal (arranged marriage). Mayroon din naming mga kwento na napilitan ang mga birheng babae na pinturahan ang kanilang mga ngipin dahil ginagamit ang kanilang mga dugo para sa mga “electric line.” Upang makaiwas sa pagkuha ng kanilang dugo, sila ay nagpanggap na mga may-asawang babae. Hindi naglaon ay ginawa narin ang ohaguro ng mga batang lalaki edad 12-13 taon gulang bilang tanda rin ng kanilang pagbibinata.


Pagkatapos ng Edo period, ang mga matatanda at mayasawang mga babae na lamang mula sa mga mayayaman at matataas na angkan ang gumamagawa ng ohaguro dahil sa ito ay mahirap gawin at kinakailangan ng malaking halaga ng pera dahil sa mga materyales. Hindi na ito prinaktis ng mga batang babae dahil sa pakiramdam na sila ay tila tumatnada o matanda na.

Dumating ang Teisho period at tuluyan ng natanggal ang ohaguro.


Ang pagpipinta ng ngipin ay hindi lamang nakita sa mga Hapon kundi sa mga Vietnamese mula sa hilagang parte ng bansa. Para sakanila, ang pagpipinta ng ngipin ay tanda sa mga babae ng pagiging isang “adult” at paghahanda sa pagpapakasal. Ito ay ginagawa sa edad na 10 matapos ang pagkakaroon ng regla o “menstruation.” Dahil sa pagpapasa ng ganitong sistema mula sa matatandang babae ng isang pamilya, nabuo ang konsepto ng “womanhood.”


Ngunit may sabi-sabi na isa pang dahilan ng pagpipinta ng ngipin, ito ay ang mga mababangis na hayop at mga demonyo sa ilalim ng lupa ang tanging mga nilalang na mayroong mahahaba at mapuputing ngipin.


Para sa mga Vietnamese, ang pagpipinta ng ngipin ay mula sa kaugalian ng mga taga-Timog Silangang Asya kung saan ang mga matatanda ay ngumunguya ng Betel nut o sa tagalong ay nganga. Ito ay pinaniniwalaang naglalabas ng “stimulant” para sa pananakit ng ngipin at para makatulong sa pagpipigil ng pagkagutom.


Gumagamit rin sila ng iron ngunit ang kanilang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinta ay ang red sticklac na nakukuha mula sa mga maliliit na insektong “aphid.” Ito ay binababad sa lemon juice o rice alcohol at itinatago sa isang madilim na lugar ng ilang araw. Ang proseso ay pagpipinta ng tatlong beses para hindi madisolb agad ng laway. Kasabay ng pagpipinta ay ang pagkakaroon ng selebrasyon ng pagdadalaga ng isang babae.


Bukod sa pagsisimbolo ng pagiging isang dalaga, ang pagpipinta rin ay nagging simbolo ng national identity noong sakupin ng mga Tsino ang Vietnam. Ito ay para mapagiba at makilala ang mga nasakop sa mga mananakop. Ngunit nang sakupin na sila ng mga Pranses, pinagbawal ito at hindi na naipagpatuloy ng mga Vietnamese.


Magkaiba man ang layon ng mga Hapon at Vietnamese sa pagpipinta ng mga ngipin, itong ritwal ay nagpapatunay lamang na ang tao ay patuloy na binabago ang kanilang anyo, ginagawang instrumento ng tao ang kanilang katawan para maihayag ang kanilang mga nais, ito man ay dahil sa konsepto ng kagandahan, signos ng pagbabago o pagaaklas, “conformity,” para sa pagpapakita ng katayuan sa buhay, pagpapakita ng pagiging miyembro sa isang tribo o grupo o pagpapakita ng pagkakaiba ng kasarian.


Wednesday, November 19, 2008

Pagsilang


Pagsilang

Ang salitang mahal ay may iba’t-ibang kahulugan at konteksto sa wikang Filipino. Maaari ibig sabihin nito ay isang taong iyong lubos na kinakalinga at iniingatan ngunit maaaring pakahulugan din nito ang pagkakaroon ng mataas na presyo sa pamilihan. Ang salitang mura ay ginagamit naman para ilarawan ang maraming bagay tulad ng mga gulay, prutas at karne. Sa araw-araw na ating pakikipagtalastasan, hindi ba natin naiisip kung saan nanggaling at kung paano nabuo ang mga salitang ating pinagaralan at ginagamit?

Marami ang teoryang nabuo na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng wika. Ang ilan sa mga ito ay ang paniniwala sa “divine creation” o ang wika na biyaya ng tao mula sa Poong Maykapal, ang “natural evolution theory” na nagpapatunay na may kakayahang magkaroon ng magandang komunikasyon habang nagiging kumplikado ang utak ng tao, at ang “bow-wow theory” kung saan ang tunog ng mga hayop ay tumulong sa pagbuo ng mga unang kataga o salita ng tao.

Ang unang teorya ay maaaring paniwalaan ngunit ng may mga malalakas lamang na paniniwala sa Diyos dahil hindi mabigyan ng sapat na ibedensiyang magpapatunay na ang mga unang tao ay mayroon ng sariling wika. Ang pangalawang teorya ay maaari ikonsider dahil habang nagiging mas kumplikado ang pagmanipula ng utak ay mas nagiging maayos ang komunikasyon ngunit hindi rin ito masuplayan ng sapat na ebidensiya. Ang pangatlo ay isa sa mga pinaka-kinwestiyon dahil iba’t-iba ang konteksto ng mga hayop sa maraming wika. Ang bow-wow ay maaaring maging aso sa Pilipinas ngunit lobo sa Africa.

Pinagtuunan ko ng pansin ang pang-apat na “ding-dong” hypothesis na naghahayag na ang wika ay nagsimula nang ang tao ay nagbigay ngalan sa mga pangyayari o kilos pagkatapos marinig ang isang tunog na kunektado sa totoong buhay. Halimbawa, nang makakita ang tao ng kulog, agad nila itong tinawag na BOOM dahil ito ang tunog na kanilang narinig mula sa unang paglabas nito. Isa pa ang tunog ng puso na TUN-TUN na ang ibig sabihin sa Chinook India ay puso dahil ito ang kanilang narinig ng pakinggan ang pagtibok nito. Nagkakaroon ng mga indexes ang isip ng tao na nakatulong upang makabuo ng mga pangalan o panawag para sa mga bagong tuklas na gamit, hayop, halaman o maging mga natural phenomenas. Ang wika ay naging madali ng magkaroon ng mga indexes dahil natural ang mga pangalan at madaling naikukunekta sa mismong bagay.

Marami man ang mga naging teorya sa pinagmulan ng wika, ang importante ay nagkaroon ng sibilisasyon at pagunlad sa bawat lugar sa buong mundo dahil sa mga salitang nabuo na maaaring mula sa ating Diyos, sa mga indexes o maging sa mga hayop.